CAR trader kinasuhan ng HPG
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sinampahan na kahapon ng kasong kriminal ang isang car dealer kaugnay ng pagpatay sa isang 31-anyos na miyembro ng Highway Patrol Group sa Batangas.
Ayon kay Chief Inspector Joel de Mesa, Criminal Investigation and Detection Group IV-A Batangas field commander, kasong murder ang isinampa sa Batangas Provincial Prosecutor Office laban sa suspek na si Ruel Cortiguerra, 39, residente ng Brgy. Tambo, Lipa City.
Sa interbyu ng PSN kay de Mesa, lumalabas sa isinagawang magkakahiwalay na imbestigasyon ng Batangas Police at CIDG IVA probe team na ang biktimang si PO2 Royson Hernandez ay binaril at napatay ni Contiguerra habang nasa loob ng sasakyan ng suspek.
- Latest
- Trending