^

Probinsiya

Brodkaster uli itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos mapatay ang isang brodkaster sa Davao Oriental noong Lunes, isa na namang radio broad­cast­er ang iniulat na na­pas­lang sa kahabaan ng national highway ng Baran­gay Barit, Laoag City, Ilo­cos Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Senior Supt Ulysses Abellar, kinilala ang panibagong brodkas­ter na si Joselito Agustin, 37, ng dzJC Aksyon Radyo sa Laoag City.

Si Agustin na kilala sa ta­wag na Aksyon Lito ay ti­nambangan sa hangga­nan ng Barangay Barit habang kaangkas nito sa motorsik­lo ang kaniyang pa­mang­king si Joseph Agustin, 22, na nadaplisan ng bala sa paa, kamay at binti.

Lumilitaw na papauwi na si Agustin mula sa radio program nang mag-overtake at ratratin ng motorcycle-riding gunmen ang biktima.

Noong Mayo 7, 2010 ay nauna na ring niratrat ang bahay ni Agustin sa Brgy. Natba, Bacarra matapos ang walang puknat nitong pagbanat sa illegal mining operations.

Ipinag-utos na ni PNP chief, Director General Jesus Verzosa ang pagbuo ng bagong task force na pamumunuan ni P/Senior Nestor Felix.

Agad namang umalma ang Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) sa ikalawang insi­den­te ng media killings sa loob lamang ng 24-oras makaraang mapatay ang isa ring brodkaster na si Desidario Camangyan no­ong Lunes ng gabi sa Ma­nay, Davao Oriental.

Tahasang sinabi ng presidente ng KBP na si Herman Basbaño, na ang pagpaslang sa dalawang brodkaster ay isang mala­king dagok sa malayang pamamahayag sa bansa.

Sa tala naman ng National Union of Journalists of the Philippines, uma­abot na sa 137 mama­ma­hayag ang pinatay simula noong 1986 kabilang ang 104 sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo.

AGUSTIN

AKSYON LITO

AKSYON RADYO

BARANGAY BARIT

DAVAO ORIENTAL

DESIDARIO CAMANGYAN

DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

HERMAN BASBA

LAOAG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with