8 pulis sabit sa May polls ambush
ISABELA, Philippines — Walong pulis ang nasa balag na alanganin masibak sa tungkulin at makulong matapos madawit sa pananambang na nagresulta sa pagkamatay ng isang si bilyan at ikinasugat ng dalawang iba pa noong May 10 polls sa Santiago City, Isabela.
Ayon kay Atty. Elias Lelina ng Lelina-Gagate Law firm at abogado ng mga biktima, sinampahan na ng kasong murder, three counts ng frustrated murder, 21-counts ng attempted murder at falsification of public documents at perjury ang mga akusado sa tanggapan ng city prosecutors office noong Mayo 25.
Kabilang sa mga kinasuhan sa National Police Commission ay sina P/Senior Supt. Reynaldo Sinaon, P/Chief Inspector Charlie Ang-yaon, P/Senior Inspector Cleto Atluna, SPO3 Allan Pascual, SPO3 Charlie Viernes, SPO1 Anthony Caser, PO3 John Lapat at si PO3 Joel Saraos.
Idinadawit ang mga akusado sa pananambang sa 25 sibilyan na lulan ng apat na sasakyan sa Barangay Sagana, Santiago City kung saan nasawi si Allan Castañeto, habang sugatan naman sina Harrison Corpuz, Villamor Laguit, Jennifer Layugan at Josemari Galapon.
Ang mga biktima ay sinasabing mga lider at mga volunteer ng Liberal Party mayoralty bet Armando Tan, dating city vice mayor na naging kalaban sa pulitika ni incumbent Mayor Amelita Navarro.
Kabilang sa mga naghain ng reklamo ay sina Omar Adoma, Francisco Lacueva, Mark Aquino, Felimon Mabalot, Erold Membrado, Romar Tranquilino, Robert Jose, Maximo Gervacio, Lope Tegerero, Edilberto Tabayuyong at si Edwin Evangelista.
Maliban sa mga inakusahan na mga pulis ay idinawit din ang isang Miguel Salomon, deputy head ng Santiago City Public Safety and Order Department.
Samantala, itinanggi naman ng mga akusado ang akusasyon sa kanila.
- Latest
- Trending