Negosyante ninakawan, tinodas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Napas­lang ang isang 44-anyos na ne­gosyanteng mister maka­raang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa labas ng kanyang tahanan sa Sitio Barayong, Barangay Cagma­naba sa bayan ng Oas, Albay.

Pinagtulungang barilin si Norman Recio habang nama­mahinga sa bakuran ng kan­yang bahay kung saan ma­tapos isagawa ang pama­maslang ay pinagnakawan pa ng mga alahas, celpon at hindi nabatid na malaking halaga. Tumakas ang mga sus­pek na lulan ang motor­siklo na sinasabing walang plaka.

Show comments