^

Probinsiya

3 katao kinidnap ng A-SG

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Muling sumalakay ang mga bandidong Abu Say­yaf Group (ASG) maka­raang dukutin ang tatlo katao kabilang ang isang empleyado ng Manggal Rubber Development Com­­pany (MARDEVCO) na lulan ng isang pampa­sa­herong jeepney sa bayan ng Sumisip, Basilan nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Antonio Mendoza, Provincial Director ng Ba­silan Provincial Police Office (PPO), nakilala ang isa sa mga biktima na si Claudio Ma­nanita, empleyado ng MAR­DEVCO.

Batay sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang pagdukot habang bumabagtas sa kahabaan ng highway ang pampasaherong jeepney ng mga biktima at harangin ng 30 armado at maska­radong bandido sa Sitio Mompol, Barangay Libog sa bayang ito.

Ang mga kidnappers na pawang armado ng mala­lakas na kalibre ng armas ay pinamumunuan umano ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama. Ang grupo ni Indama ay notoryus da­hilan sangkot ang mga ito sa pamumugot ng ulo ng mga hostages na walang ma­ibayad ng ransom at siya ring nasa likod ng pag­pugot sa ulo ng sampu sa 14 mi­yembro ng Philippine Marines na na­ pa­tay sa encounter sa Al Bar­kha, Basilan no­ong Hulyo 10, 2007.

Sinabi ni Mendoza na ma­­tapos harangin ang jeep­­­ney ay pinababa ang la­hat ng sakay nito pero ta­nging ang tatlo lang ang ti­na­ngay ng mga kidnappers. Ang tatlo ay kinalad­kad ng mga armadong kidnappers patungo sa di­reksyon ng kagubatan.

Samantala, bumuo na rin ng Crisis Management Committee ang pamaha­laang lalawigan para sa search and rescue operations sa mga binihag ng mga bandido.

ABU SAY

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

AL BAR

ANTONIO MENDOZA

BARANGAY LIBOG

BASILAN

CLAUDIO MA

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with