2 PAGs arestado

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihina­laang miyembro ng isang Partisan Armed Groups (PAGs) ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya kasunod ng pagkaka­sam­sam ng sari-saring mga ar­mas sa raid sa Brgy. Ca­li­buyo, Tanza, Cavite kama­ka­lawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasa­kote na sina Escolastico Min­tu, 63, ng Public Market Security Personnel at Ramil Min­tu, 34, isang obrero; pa­wang resi­dente ng Sitio Ba­gong Pook, Barangay Cali­buyo ng ba­yang nabanggit. Sa ulat ni Police Regional Office (PRO-IVA) Director P/Chief Supt. Rolando Ano­nue­vo, sinalakay ng mga opera­tiba ng Tanza Municipal Police Station (MPS) at Provincial Public Safety Company ang tahanan ng mga suspect sa Barangay Cali­bu­yo, Tanza, Cavite ban­dang alas-4:30 ng mada­ling araw.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cezar Ma­ngo­­bang ng Regional Trial Court (RTC) Branch 22, Imus, Ca­vite sa tahanan ni Mintu sa Ba­rangay Calibuyo, Tan­za, Cavite at pinaghihi­na­­laang miyembro ng Am­bagan Group na nago-operate sa lalawigan ng Ca­vite. Base sa intelligence report ang Ambagan Group ay isang grupo ng no­toryus na gun for hire syndicate na pu­mapatay at nagsi­silbing PAGs ng ilang pulitiko sa Cavite.

Nasamsam sa mga suspect ang isang cal 5.56 Colt rifle na may isang magazine na naglalaman ng 30 bala; isang magazine ng M16 rifle; isang 12 gauge shot gun na may 15 bala; isang rifle grenade; isang caliber 22 rifle; isang Colt. 45 pistol na may isang magazine na may 10 bala at sari-saring firearms holster saka mga paraphernalia. Nasa kustodya naman ng Tanza Police ang mga na­sa­koteng suspect na nga­yo’y nahaha­rap sa kasong krimi­nal.

Show comments