CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Hindi na iginalang ng mga armadong lalaki ang loob ng kapilya makaraang pagbabarilin at mapatay ang 37-anyos na mister na nagdarasal sa panibagong karahasang naganap sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Bato, Camarines Sur kamakalawa.
Nasapol sa ulo at idineklarang patay sa Rinconada Medical Center si Richard Ramos habang tugis naman ng pulisya ang dalawa sa apat na suspek na sina Ernesto Calleja, Nelson Ramos. Nabatid na isinagawa ang krimen habang ang biktima kasama ang ilang kabarangay ay nag-nonovena sa loob ng kapilya dahil sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng kanilang barangay.