7 babaeng mayoralty bets nanalo
SAN FERNANDO CITY, La Union, Philippines – Pitong babae na kandidato sa mayoralty race sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng La Union ang nanalo noong May 10 automated elections.
Base sa record ng Commission on Elections (Comelec) provincial office sa ilalim ni Atty. Joel Gines, kabilang sa mga nanalong kandidatong babae nasa ikalawang termino bilang alkalde ay sina Sandra Young-Eriguel ng Agoo; Joy Pinzon-Merin ng Bangar; Divina Daligues- Velasco ng San Gabriel; at si Daisy Sayangda-Olivar ng bayan ng Santol.
Maging sina Noemi Balloguing ng Pugo at Teresita Ong ng Aringay ay kapwa nanalo sa ikatlong termino habang si Marietta Carbonelle ng Sto. Tomas ay pinalitan naman ang kanyang mister na si outgoing Mayor Severino Carbonell.
Si Young-Eriguel ay misis ni dating Agoo Mayor Eufranio Eriguel na ngayon ay elected solon ng 2nd district sa La Union habang sina Pizon-Merin, Daligues-Velasco at Sayangda-Olivar ay pawang mga anak ng dating alkalde sa kani-kanilang lugar. Philippine Star News Service
- Latest
- Trending