^

Probinsiya

Convoy ng military escort niratrat

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lu­bong sa apat na sundalo ng Phil. Army, isang election officer at isang poll watcher habang 12 iba pa ang nasu­gatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army ang convoy ng militar na nag-escort sa mga election paraphernalia sa Barangay Mahayhay, Maragusan sa Compostela Valley kahapon ng umaga.

Kabilang sa nasawi ay apat na sundalo ng Army’s 66th Infantry Battalion na pansamantalang ‘di-tinukoy ang pangalan dahil kailangan pang impormahan ang pa­milya ng mga ito.

Kinilala naman ang poll watcher na si Mercedita Negro at isang Board Election Inspector na ‘di pa natukoy ang pangalan.

Dinala na sa Camp Pa­nacan Hospital sa Davao City ang mga sugatang sundalo at 3 poll watchers na sina Lita Tablingon, Mila Restauro at Darwin Obillo.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP-Task Force HOPE spokesman Col. Ricardo Nepomuceno, naga­nap ang insidente sa kaha­baan ng highway ng Sitio Mangga kung saan nagi-escort ang Army’s 66th IB sa pamumuno nina 2nd Lt. Dexter Nabora at 2nd Lt. Florent Casilla

Nabatid na ang grupo ay patungong Maragusan mula sa Mahayahay Elementary School at Paloc Elementary School lulan ng dump truck para ihatid na ang 2 precinct count optical scan machines at iba pang election paraphernalia nang maganap ang pananambang.

Sa kabila ng insidente ay maayos namang nai-deliver ang mga election paraphernalia sa nasabing bayan para sa canvassing.

vuukle comment

BARANGAY MAHAYHAY

BOARD ELECTION INSPECTOR

CAMP AGUINALDO

CAMP PA

COMPOSTELA VALLEY

DARWIN OBILLO

DAVAO CITY

DEXTER NABORA

FLORENT CASILLA

INFANTRY BATTALION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with