7 tauhan ng kandidato tiklo sa mga baril
CAMARINES NORTE , Philippines – Pito-katao kabilang ang isang pulis at dalawang sundalo na sinasabing private armed group ng gubernatorial bet ang dinakip ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng mga baril sa inilatag ng Comelec checkpoint sa bahagi ng Barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Pormal na kakasuhan ni P/Supt. Mario Barbacena, deputy provincial director ang mga suspek na sina Melvin Bongat, Joemarie Garete na kapwa sundalo ng Army’s 31st Infantry Batallion sa San Antonio detachment sa bayan ng Labo; PO2 Randy Raro ng Purok 3, Brgy Sta Elena-Talisay; Joemar Bardon, Rodrigo Villafuerte, at si Edgar Villafuerte.
Ayon sa ulat, ang mga suspek na lulan ng sasakyan (ZMW 550) ay sinasabing mga tauhan ni gubernatorial candidate Winnie Balce Oco.
Nabatid na nasita ang mga suspek sa inilatag na checkpoint kung saan nasabat ang mga baril sa loob ng sasakyan.
- Latest
- Trending