Pulis dedo sa heat stroke

CAVITE, Philippines — Isang radio operator ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang atakihin sa puso dahil sa heat stroke habang nag-eehersisyo sa loob ng Camp Pa­ntaleon Garcia sa bayan ng Imus, Cavite kama­kalawa ng hapon. Naisugod pa sa Medical Center Imus subalit ideneklarang patay si PO3 Florencio Gamana Alivio, 48, biyudo, at na­katira sa Block 21, Lot 5, Phase 11, Sunshine Homes, Gen­eral Mariano Alvarez, Cavite. Nabatid na magkakasamang nag-eehersisyo ang mga pulis nang biglang mawalan ng malay-tao ang biktima at nabagok ang ulo sa semento ng covered court.

Show comments