2 bakasyunista nalunod

BATANGAS, Philippines – Nauwi sa trahedya ang pagba­bakasyon ng dalawang lalaki na nalunod sa beach sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Lemery at Nasugbu, Batangas, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police di­ rector, naunang nalunod si Stanley ng Mangahan, Pasig City sa beach resort sa Barangay Nonong Castro sa bayan ng Lemery. Noong Sabado ng hapon. Samantala, si Ernesto Cristobal, Jr., 36, ng UP Campus, Diliman, Que­­­zon City ay nalunod naman sa beach resort sa Barangay Calayo sa bayan ng Nasugbu noong Linggo. Kapwa na­isugod sa ospital ang dalawa subalit idineklara itong patay.

Show comments