CANDELARIA, Zambales , Philippines — Bitbit ng iba’t ibang partido at mga lokal na kandidato si dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane Jr. na tumatakbo sa gubernatorial race sa Zambales.
Kasama na ni Ebdane sa naglibot sa mga barangay ang magkatunggali sa mayoralty race sa Candelaria na kapwa sumusuporta sa kanyang kandidatura. “Narito kami upang mangampanya para kay Sec. Ebdane, at upang siguruhin na s’ya ang magiging susunod na gobernador,” pahayag ni Mayor Jean Misa-Moraña, muling kakandidato (Lakas-Kampi-CMD). “Ang gusto namin ni Mayor Misa ay maibigay ng Candelaria ang 100% boto para kay Ebdane,” pahayag naman ni Vice Mayor Pedro Ecunar (PMM), na kalaban ni Misa sa mayoralty race. Tatlong kandidato sa gubernatorial race na sina Jury Deloso (PMM), Renato Collado (Lakas) at Ramon Lacbain (NP) ang bumibitbit kay Ebdane.
Sinuportahan din si Ebdane ng dalawang congressional bet ng 2nd district na sina incumbent Rep. Antonio Diaz (PMM) at Alfred Mendoza (Lakas).
Nakuha na ni Ebdane ang suporta ng walong alkalde nang makipag-alyansa ito kay ex-Gov. Vic Magsaysay, na tumatakb ngayon sa mayoralty race sa Olongapo City. Alex Galang