Nang-agaw ng baril sa pulis, todas

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa isang lalaki na pinaniniwalaang sang­kot sa pagpatay ng ba­ran­gay captain maka­raang mabaril dahil sa pang-a­agaw ng baril sa umaa­restong pulis sa bisinidad ng Barangay San Antonio sa Biñan, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director ang suspek na si Rosano “Na­cio” Capunitan ng Baran­gay Malaban, Biñan, Laguna.

Ayon sa ulat, nagpa­patrolya ang pulisya nang mamataan si Capu­nitan na nakatayo sa harap ng convenience store na may nakasukbit na baril sa beywang bandang alas-5:30 ng umaga.

Nang sitahin at dadalhin na ng mga pulis si Ca­pu­nitan sa presinto, bigla na lang nang-agaw ng M16 Armalite rifle mula kay PO1 Glecerio Cruzen.

Habang nag-aagawan ng baril malapit sa gate ng police station, aksidenteng nakalabit ni PO1 Cruzen ang gatilyo ng Armalite rifle at tinamaan si Capunitan.

Batay sa tala ng pulisya, si Capunitan ay itinuturong nakapatay kay Chairman Eric Jimenez ng Barangay San Antonio noong naka­lipas na linggo.

Si Jimenez ay kilalang kumakalaban sa mga drug pusher sa kanyang lugar kung saan si Capunitan ay miyembro ng sindikato ng droga, carnapping at robbery hold-up gang na nag-ooperate sa Biñan at ka­ratig bayan. Arnell Ozaeta

Show comments