^

Probinsiya

Dispatcher todas sa driver

-

CAVITE , Philippines  — Binurdahan ng sak­sak sa katawan ang isang dispatcher na naging sanhi ng kanyang kama­tayan maka­raang makipag­talo sa isang bus driver, ka­makalawa ng umaga sa Brgy. Mabolo I, Ba­coor ng la­lawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Lauro Jamandre, 32 , dispatch­er/barker at residente ng Brgy. Pulborista, Binaka­yan, Kawit ng lalawigan ding ito. Mabilis na­mang nakata­kas ang suspek na nakila­lang si Jaime Olingay alyas Jimmy, driver ng mini bus at nakatira sa Mayamaya St. Brgy. Dalahican, Cavite City.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ivan Rey Legaspi at PO2 Michael Legaspi Jr., bandang alas-8:00 ng uma­ga ng mag­ka­roon ng maini­tang pagta­talo ang biktima at suspek hinggil sa ibinibigay na taripa.

Agad na nag-init ang ulo ng suspek, kinuha nito ang pa­talim at bumaba ng kan­yang mina­ma­nehong sasak­yan bago sunud -sunod na inun­dayan ng saksak ang biktima.

Matapos ang ginawang pa­nanaksak ay mabilis na pi­natak­bo ng suspek ang mina­ma­ne­hong mini bus na may plakang DWH-415 pa­palayo sa lugar ng pi­nang­yarihan. Patu­loy pa rin ang gi­na­ga­wang imbes­tigasyon ng pu­lisya at nag­sasagawa ang mga ito ng manhunt operation upang madakip ang suspek. Cristina Go-Timbang

vuukle comment

BRGY

CAVITE CITY

CRISTINA GO-TIMBANG

IVAN REY LEGASPI

JAIME OLINGAY

LAURO JAMANDRE

MABOLO I

MAYAMAYA ST. BRGY

MICHAEL LEGASPI JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with