Barangay chairman itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang barangay chair­man na aktibong sinusu­portahan ang kampanya laban sa bawal na droga ang pinagbabaril at napatay sa bisinidad ng Tubigan sa Biñan City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa ulo at kata­wan si Chairman Eric Jimenez ng Barangay Sto. Domingo ng nabanggit na lungsod. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Pernito, hepe ng pulisya sa Biñan City, kagaga­ling lang ni Jimenez sa sabu­ngang malapit sa gasolinahan nang lapitan at ratratin ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki. Naitakbo pa si Jimenez sa Perpetual Help Medical Hospital pero namatay din ito bandang alas-7 ng gabi.

Bumuo na ng Task Force ang Laguna police at ang Criminal Investigation Detection Group para hawa­kan ang kaso. Arnell Ozaeta

Show comments