'Di-nagsauli ng celpon, dinedo

CAVITE , Philippines   — Isang 29-anyos na lalaki na sinasabing hindi naisauli ang hiniram na celpon sa kanyang kaibigan ang pinagsasaksak at napatay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sahud Ulan sa bayan ng Tanza, Cavite kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Joseph Cimafranca, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Roger Caspe.

Nabatid na bago naganap ang pamamaslang ay nagkasigawan at nagtalo ang dalawa dahil sa naiwala ng biktima ang celpon ng suspek. Bago mamatay ang bik­timang nakalabas pa ng kanyang bahay ay naibulong pa nito sa trike driver na si Charlie Falla ang pangalan ng suspek. Cristina Timbang

Show comments