^

Probinsiya

Kemikal na sangkap ng shabu nasabat

-

BATANGAS, Philippines — Mala­mig na rehas ang binagsa­kan ng dalawang sibilyan matapos maaktuhang may bitbit na mga kemikal sa pag­­gawa ng shabu (me­thampetamine hydro­clo­ride) sa inilatag na Come­lec checkpoint sa Ba­ran­gay Ba­lagtas, Ba­tan­gas City ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Ma­nuel Abu, hepe ng Ba­tangas City PNP, ang mga suspek na sina Alnajier Musa, 27 at Julie Kissae, 37, kapwa tu­bong Jolo, Sulu at residente ng Botolan, Zambales.

Ayon sa report, sinita sa  co­melec checkpoint ng mga tauhan ni P/Chief Inspector Cesar Geron ang Hyundai Starex Van (WSU-678) ng mga suspek ban­dang alas-3 ng hapon. Habang kinakau­sap ng mga pulis ang drayber, may na­amoy silang masang­sang na amoy na nagmu­mula sa loob ng van hang­gang sa ma­mataan ang mga container ng chemical na sina­sa­bing wa­lang kaukulang doku­mento.

Narekober sa van ang brown envelope na pinanini­walaang may sha­bu, 10-plastic containers na may acetone at 140- bote ng thionyl chloride. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ALNAJIER MUSA

ARNELL OZAETA

AYON

BOTOLAN

CHIEF INSPECTOR CESAR GERON

HABANG

HYUNDAI STAREX VAN

JOLO

JULIE KISSAE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with