PAG man nadakip

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang umano’y aktibong miyembro ng isang private army ang nadakip ng mga awtoridad sa Balud, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Aguido Cioco, aka Katotong, nasa hustong gulang , may kasong murder at frustrated murder at residente ng naturang lugar. Napagalaman na ang suspek ay kumpirmadong miyembro ng Villaroel group na nasa ilalim ng isang kandidatong mayor sa Balud. Ed Casulla

Show comments