^

Probinsiya

2 gobernador sa Bulacan

-

MALOLOS CITY, Bula­can  , Philippines — Nagsimulang ma­nungkulan kahapon bilang gobernador ng Bulacan si Roberto Pagdanganan ha­bang nagkulong naman sa kapitolyo ang kasaluku­yang Governor na si Jose­lito “Jon­jon” Mendoza para hin­tayin ang kasagutan ng Su­preme Court kaugnay sa ini­haing motion for reconsi­deration.

Ito ay matapos idikit ng Commission on Elections (Comelec) provincial election su­per­visor ang kopya ng writ of execution sa pader ng kapitolyo na guwardi­yado at na­papaligi­ran ng mga taga-suporta ni Mendoza bukod pa sa barikada.

“Ako na muli ang gober­nador ng Bulacan,” paha­yag ni Pagdanganan sa mga taga-suporta na nag­tipon sa mini forest park ng kapitolyo saka tumuloy sa gusali ng Gat Blas F. Ople habang hinihintay si Mendoza na bumaba sa puwesto.

Nagpatawag ng press conference si Pagdanga­nan kung saan itinatala­gang pro­vincial administrator si Atty. Jose Cruz, ha­bang chief of staff naman si ex-Councilor Eric Castro at si Roberto Pau­lino bilang hepe ng security.

Nagpalabas na ng me­mo­randum si Pagdanga­nan para ibalik sa district hospital ang Calumpit Maternity Hospital.

Inatasan din ang provin­ cial engineers office na alisin ang mga barikada sa harap ng kapitolyo para maipag­patuloy ang ser­bisyo sa taumbayan.

Kaugnay nito, nanatili sa loob ng kapitolyo si Governor Mendoza matapos tangkaing ipatanggap ng Comelec ang kopya ng writ of execution kahapon ng umaga.

Dahil sa hindi tinanggap ang kopya, idinikit na lamang ng Comelec ang kopya ng writ of exe­cu­tion sa pa­der ng ka­pitolyo su­balit bi­nak­las din ng mga ta­ga-su­porta ni Men­do­za. Dino Balabo

BULACAN

CALUMPIT MATERNITY HOSPITAL

COMELEC

COUNCILOR ERIC CASTRO

DINO BALABO

GAT BLAS F

GOVERNOR MENDOZA

JOSE CRUZ

MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with