4 sundalo todas sa NPA
MANILA, Philippines - Apat na sundalo ng Army’s 26th Infantry Battalion ang iniulat na napatay habang apat iba pa ang nasugatan kabilang ang isang batang babae makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur kamakalawa. Kabilang sa mga napaslang ay sina Lt. Isagani Villasis, Staff Sergeant Jose Balaba, PFC Alejandro Dao at Private Zen Stephen Cloma. Sugatan naman sina M/Srgt. Fernandez, S/Srgt. Edesio Escalante, PFC Julius Bolotano habang nadamay naman si Rosegin Tamonan, 10, ng Purok 10, La Fortuna. Ayon sa ulat, patungo sa Barangay LA Fortuna mula sa Brgy. Masayan para dumalo sa pagpupulong kaugnay sa information drive sa security awareness para sa peace and development nang tambangan ng NPA. Joy Cantos
- Latest
- Trending