^

Probinsiya

Pangulo ng transport group itinumba

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Hindi na naka­pagdiwang pa ng Valen­tine’s Day ang pangulo ng transport group matapos itong pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang lalaki malapit sa kaniyang bahay sa Ba­rangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Rolando Añonuevo, Region 4 police director, ang biktimang si Benito Malinis, 50, ng Barangay Molino 3, at tumatayong pangulo ng transport group na may biyaheng Pala-pala South­mall sa Las Piñas City.

Ayon sa police report, nakatayo si Malinis sa gilid ng kalsada ilang metro ang layo sa kanilang bahay nang biglang lapitan at ratratin ng nag-iisang lalaki na sakay ng motorsiklo ban­dang alas-7:45 ng umaga.

Tatlong tama ng bala ng cal. 45 baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ng biktima.

Napag-alamang may ilang miyembro ng asosas­yon na sinasabing nagta­nim ng galit sa biktima kaugnay sa hindi maayos na pamamalakad sa pa­ na­nalapi.

May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na mga hired killer ang nasa likod ng pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BACOOR

BARANGAY MOLINO

BENITO MALINIS

CAVITE

CHIEF SUPT

KINILALA

LAS PI

ROLANDO A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with