Campaigner ng LP itinumba
MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang campaign period matapos na pagbabarilin at mapatay ang isang political campaigner ng Liberal Party ng nag-iisang hindi pa nakilalang armadong salarin sa Carmen, North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Edwin Bandila, 49-anyos, campaign manager ng LP sa Carmen.
Naganap ang pamamaslang sa harapan ng Carmen Municipal Cemetery bandang alas-5:30 ng hapon.
Lulan ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang misis na si Lourdes pauwi sa kanilang tahanan sa Barangay General Luna sa bayang ito nang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong suspek pagsapit sa nasabing lugar.
Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos na mapaslang ang naturang biktima.
Nabatid na si Bandilla ay malapit na kaibigan at tagasuporta ni North Cotabato Vice Governor Manny Piñol. Malu Manar
- Latest
- Trending