Trader inutas sa jeepney

BULACAN, Philippines - Napaslang ang isang 30-anyos na babaeng negosyante makaraang ratratin ng mas­karadong lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay Sto. Niño sa bayan ng Paombong, Bulacan. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Maricel Latoga ng Sitio Buga, Brgy. San Isidro ll, sa bayang nabanggit. Sa ulat ni P/Chief Inspector Sabino Vengco III, si Latoga ay papauwi na sana lulan ng jeepney na sinasabing pan­samantalang huminto dahil sa prusisyon nang makasalubong si kamatayan. Boy Cruz

Show comments