Lover inutas, bading nag-suicide
MABALACAT, Pampanga – Nagbaril sa sintido at namatay ang isang 37-anyos na bading matapos nitong mabaril at mapatay ang kanyang lover sa loob ng nakaparadang sasakyan noong Biyernes sa bahagi ng Barangay Mabiga sa bayan ng Mabalacat, Pampanga.
Kinilala ni SPO1 Randy Santos ang nag-suicide na si Gideon Panganiban ng Brgy. Mawaque at ang sinasabing lover nitong si Arvin Ompong, 25, ng Galas, Quezon City.
Ang mga labi ng dalawa na kapwa may tama ng bala ng baril sa katawan ay natagpuan sa loob ng sasakyan ni Panganiban na nakaparada sa kahabaan ng Planters Street sa St. Rafael Subdivision.
Kinumpirma naman sa pulisya ng misis ni Ompong na may relasyon ang dalawa matapos nitong mabasa ang mga text messages ni Panganiban na ipinadala sa una.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagkasigawan muna ang dalawa sa loob ng sasakyan bago aksidenteng nabaril at napatay ni Panganiban si Ompong.
Sinasabing bago mag-suicide si Panganiban ay naipaabot nito sa kanyang kamag-anak ang insidente kung saan hindi kayang sumuko sa kinauukulan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni Santos na ang dalawa ay magkasosyo sa negosyo tulad ng Internet café sa nabanggit na bayan. Phil. Star News Service
- Latest
- Trending