Galit nauwi sa pamamaslang

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Panibugho na nauwi sa matinding galit ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na minero ng kapwa minero kamakalawa sa Sitio Bagadila, Barangay Bangon sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Kinilala ang napatay na si Joel Sandig habang tugis naman ang suspek na si Rodrigo Acacia, 22, ng Purok Acacia ng nabangit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na naglalaro ng tong-its ang biktima at ilang kaibigan sa labas ng kanilang bahay nang lapitan at isagawa ng suspek ang pamamaslang. Ed Casulla

Show comments