BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Umaabot na sa 14 sundalo ng Phil. Army ang kumpirmadong napatay sa magkakahiwalay na sagupaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa Northeastern Luzon.
Sa tala ng militar, ilang sundalo mula sa Army’s 502nd Infantry Brigade ang nasawi matapos ang madugong sagupaan laban sa NPA sa liblib na bahagi ng Barangay Ueg, sa bayan ng San Mariano, Isabela kahapon.
Noong Miyerkukes ng Enero 27 nakasagupa ng militar ang mga rebelde sa Mt. Province, kung saan limang sundalo ang napaslang kung saan sinundan naman sa Abra at Kalinga na nagresulta sa pagkasawi ng limang iba pa.
“Our casualties are normal results of our intensified campaign against the remaining armed rebels in the areas. These incidents do not mean that the insurgency is gaining strength,” pahayag ni Col. Loreto Magundayao ng 5th Infantry Division.
“They are only out to use these encounters for possible propaganda value to make an impression that they are still a force to reckon with, possibly in connection with the coming elections,” dagdag ni Magundayao. Victor Martin