Umiwas sa manok, guro dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dahil sa pag-iwas sa tumatawid na manok, isang 33-anyos na guro ang nasawi makaraang sumemplang ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Lalaguna sa bayan ng Mobo, Masbate kamakalawa ng hapon. Duguang sinaklolohan at naisugod pa sa Masbate Provincial Hospital subalit namatay din si Joseph De Lara, guro sa Dimasalang National High School at nakatira sa Barangay Poblacion. Napag-alamang lulan ng motorsiklo na may plakang IE 1383 ang biktima at patungo sana sa pagtitipon sa Masbate City nang makasalubong si kamatayan. Ed Casulla

Show comments