Police intel itinumba sa bar
MANILA, Philippines - Bumulagta ang isang intelligence officer ng pulisya makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng videoke house sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa. Napuruhan sa kaliwang bahagi ng katawan at napatay sa Doctor’s Clinic and Hospital si SPO4 Renato Viernes. Napag-alamang hinihintay ng biktima sa loob ng LCS Lantion Videoke House ang tipster kaugnay sa mga kasong kriminal nang maga-nap ang pamamaslang bandang alas-10:45 ng gabi. Tinangay pa ang service firearm ni SPO4 Renato Viernes. Joy Cantos
- Latest
- Trending