Alalay ng vice mayor, 1 pa itinumba

BATANGAS, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamata­yan sa magkaibigan ka­bilang ang close-in bodyguard ng vice mayor ma­karaang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki kama­kalawa ng gabi sa Ba­rangay Mabalanoy sa bayan ng San Juan, Ba­tangas.

Personal na alitan ang isa sa motibo kaya napas­lang sina Arvin Sayat, 33, ng Barangay Abung at Ruel Jimenez, 34, ng Barangay Sampiro, San Juan, Ba­tangas.

Samantala, tinamaan ng ligaw na bala ang ba­rangay councilor na Mel­chor Tejada ng Barangay Mabalanoy sa bayan ng San Juan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, lumilitaw na katatapos lang mag-inu­man ng alak ni Sayat na close-in security escort ni San Juan Vice Mayor Ar­thur Marasigan at Jime­nez sa maliit na karinderya at papasakay na ng kanilang kotse nang lapitan at pag­babarilin ng dala­wang mas­karadong lalaki ban­dang alas-7 ng gabi.

Bulagta kaagad sina Sayat at Jimenez saman­talang nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa tiyan at braso si Tejada.

Palakad na lumayo ang dalawang killer patungo sa ’di-pa malamang direk­syon.

Narekober ng pulisya sa crime scene ng isang slug at 18 basyo ng cal.45 pistola. Arnell Ozaeta

Show comments