MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga awtoridad ang isang Islamic Education Center ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa isang bagitong pulis sa Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.
Batay sa report ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao, bandang alas-8:30 ng gabi nang salakayin ang Salam Islamic Education Center sa Camp Sultan Kudarat Pendatun, Parang ng lalawigang ito. Arestado naman sa operasyon si PO1 Sahi Yusop, caretaker ng naturang education center.
Narekober sa lugar ang isang Bushmaster model XM15-E2S, isang magazine na may lamang 30 bala. Joy Cantos