Comelec checkpoint niratrat
MANILA, Philippines - Nabahiran ng karahasan ang isinasagawang Comelec checkpoint matapos na paulanan ito ng bala ng mga armadong kalalakihan na ikinasugat ng isang sundalo at tatlong sibilyan sa Alaminos, Laguna kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na isang tinukoy na Private First Class de Guzman na nagmamando sa checkpoint at ang tatlong bystanders na sina Arthur Bencito, 27 anyos; Emelardo Pelagio, 32, at Miriam Espiritu, 34, taong gulang.
Ang mga ito ay isinugod na sa MMC Hospital sa San Pablo City para malapatan ng lunas.
Ayon kay Army’s 1st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Bartolome Bacarro, naganap ang insidente sa checkpoint na minamando ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa ilalim ng superbisyon ng Commission on Elections sa Barangay San Miguel, Alaminos bandang alas-10:30 ng umaga.
Nag-iinspeksyon sa checkpoint ang mga sundalo at pulis nang paulanan sila ng bala ng dalawang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo. Joy Cantos at Ed Amoroso
- Latest
- Trending