2 vintage bomb, mortar shells at 8 explosive cartidge nahukay sa bukid
MANILA, Philippines — Natagpuan ang ilang unexploded ordnance na kinabibilangan ng vintage bombs at high explosive cartridge sa isang bukid sa Rodriguez, Rizal, iniulat kahapon.
Rumesponde ang pwersa ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit para maingat na maialis ang nasabing mga bomba sa bukid.
Sa ulat,alas-3:45 ng hapon nang madiskubre ang mga nabanggit na bomba sa bukirin ni alyas “Gerry” sa Sitio Magalapit, Brgy., San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Nasa pangangalaga na ng Rizal Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ang mga pampasabog.
- Latest




















