^

Probinsiya

103 kilong 'damo' nasamsam

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Narekober ng pi­nag­sanib na pwersa ng mga awtoridad ang 103 kilo ng pina­tuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa apat na kahon sa Sitio Tu­bong, Na­ga­­nacan, Sta. Ma­ria, Isabela at Barangay Romualdez, Rizal, Kalinga kamakalawa.

Ayon kay PO3 Sherwin Ubonen, Chief Investigation at Intelligence officer ng CIDG Isabela, natagpuan ang mga marijuana bricks na nakasilid sa mga kahon sa ma­damong bahagi ng isang farm lot na pag-aari umano ng pamilya Labarias.

Ang narekober na 103 kilos na marijuana bricks ay tinatayang umaabot sa ha­lagang P1,030,000.

Ayon naman kay PC/Insp Melchor Cantil, team leader ng CIDG-Isabela, ang mga ka­hon ay nakatakdang ipa­dala sana sa isang Ariel Vier­nes ng Cubao, Quezon City.

Umabot sa 23 plantasyon na taniman ng marijuana ang nabuwag ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy sa loob ng limang araw na pagsalakay na gina­wa sa Ilocos Region, ayon sa ulat kahapon.

Sa isinumiteng ulat ni Supt. Roger Opeña, PDEA Re­­gional Director kay director General Sr., Undersecretary Dio­nisio Santiago, sa pagsa­lakay sa nasabing mga plan­tasyon, bultu-bultong tanim ng marijuana ang nakum­pis­ka kung saan karamihan sa mga ito ay itinuturing na ma­taas na uri.

Naging pangunahing su­play ng marijuana ang re­hiyon sa Metro Manila dahil ang ganitong produkto ang itinata­nim ngayon ng mga magsa­saka bunga na rin ng kahi­rapan. Joy Cantos at Ricky Tulipat

ARIEL VIER

AYON

BARANGAY ROMUALDEZ

CHIEF INVESTIGATION

DRUG ENFORCEMENT AGEN

GENERAL SR.

ILOCOS REGION

INSP MELCHOR CANTIL

ISABELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with