^

Probinsiya

Security agency sinalakay

-

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang na­aresto kabilang ang isang tiwaling negosyante habang sari-saring mga armas naman ang nasamsam ng mga awto­ri­dad matapos na salakayin ang isang security agency kahapon ng umaga sa GSIS Village, Davao City.

Batay sa report ni Chief Supt. Pedro Tango, director ng Police Regional Office 11, dakong alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng Special Task Group kontra Private Armed Groups sa pamumuno ni Supt. Vicente Danao ang Ban­deras Security Agency sa #10 Eagle St., GSIS Village.

Arestado sa operasyon si Musolini Lidasan, may-ari ng ahensya.

Dinakip rin ng mga awto­ridad si Sgt. Alberto Antisoda Duhig ng 67th Infantry Bat­talion ng Philippine Army na nasamsaman naman ng inis­yu ritong M16 rifle.

Nabigo siyang magpakita ng permit galing sa Commis­sion on Elections para mag­bitbit ng armas.

Sinabi ni Tango na napaso na o expired noon pang Agosto 2008 ang lisensya ng ahensya.

Nasamsam sa raid ang walang lisensyang 19 na shot­­guns, 24 cal.38 revolvers, isang cal.45 pistol, dalawang M16 rifles, isang cal.45 at isang cal 9mm. Joy Cantos

vuukle comment

ALBERTO ANTISODA DUHIG

CHIEF SUPT

DAVAO CITY

EAGLE ST.

INFANTRY BAT

JOY CANTOS

MUSOLINI LIDASAN

PEDRO TANGO

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with