^

Probinsiya

3 magkakapatid minasaker

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong magkakapatid ang pinalakol, pinagsasak­sak at napatay ng nabas­ted na manliligaw ng isa sa mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Can­daba, Pampanga kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sorato Labsan, 28; kapatid nitong sina Ariel 19; at ang dalagitang si Jara­mie, 14, na pawang mga re­sidente ng Sitio Nawasa, Barangay Lambak Pasig sa Candaba.

Sugatan namang isinu­god sa Jose B. Lingad Regional Hospital ang isang pinsan ng mga biktima na si Jaide, 13, at kapatid pang si Jaime, 14, makara­ang palakulin sila sa ulo ng suspek.

Kinilala lang sa alyas na Rodel ang suspek na caretaker ng isang fishpond sa naturang lugar at umano’y manliligaw ni Jaramie.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na bigla na lamang sinugod ng suspek na nanlilisik ang mata at may dalang palakol at 12 inches na patalim ang ta­hanan ng mga biktima.

Pinagpapalakol niya sa bahagi ng kanilang mga ulo ang mga biktima at pinag­sasaksak pa ang mga ito.

Nauna rito, pinainom pa ng suspek ang dalawang anak na lalaki ni Jaime Labsan Sr., 60-anyos.

Kinandaduhan pa ng suspek sa loob ng kanilang tindahan ang natutulog na matanda kaya kahit na nagising sa kalabugan at sigaw ng mga biktimang humihingi ng saklolo ay wala itong nagawa.

Sa pahayag ng ma­tanda sa mga awtoridad, nanliligaw ang suspek kay Jaramie na bunso niyang anak. May teorya naman ang mga awtoridad na binasted ng dalagita ang suspek kaya ito naghiganti.

Nabatid na may mga indikasyon ring ginahasa ang dalagita bagaman susuriin pa ang kanyang bangkay.

vuukle comment

BARANGAY LAMBAK PASIG

JAIME LABSAN SR.

JARAMIE

JOSE B

KINILALA

LINGAD REGIONAL HOSPITAL

SHY

SITIO NAWASA

SORATO LABSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with