Backhoe ni mayor sinunog

MANILA, Philippines - Sinunog ng pitong arma­dong kalalakihan na nagpaki­lalang mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang isang backhoe na pag-aari ng isang alkalde matapos nilang sala­kayin ang isang minahan sa Barangay Mapawa, Surigao City, Surigao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ng Police Regional Office 13, naganap ang insidente sa mining site ng Greenstone Resources Corporation sa Sitio Sto. Nino, Barangay Mapawa, Su­rigao City dakong alas-11 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang lumusob sa lugar ang pitong mga arma­dong rebelde.

Walang nagawa ang mga bantay at empleyado dito ma­tapos na tutukan ng baril ng mga armadong rebelde.

Agad na binuhusan ng gasolina at sinindihan ng mga rebelde ang isang unit ng backhoe-TX-115 Samsung na pag-aari ni Mayor Cesar Diaz ng Tagana-an, Surigao del Norte. Joy Cantos

Show comments