Radio reporter sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Isa na namang media man ang tinangkang itumba nang pagbabarilin ng hindi pa na­kilalang mga arma­dong lalaki sa Bantay, Ilocos Sur kama­kalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ay nakilalang si Eugene Paet, reporter ng Commando Radio sa Vigan City at nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa tagiliran.

Batay sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng gabi nang ma­ganap ang insi­dente sa Ba­rangay Bulag Centro, Bantay.

Pauwi na ang biktima mula sa kanyang radio pro­gram nang tambangan ng mga hindi nakilalang kala­laki­han na pinaniniwalaang mga ‘hired killers’.

Tumakas ang mga ar­ma­dong lalaki matapos ang pa­na­nambang ha­bang isinugod sa Metro Vigan Cooperative Hos­pital ang biktima. Joy Cantos

Show comments