^

Probinsiya

Comelec sa Maguindanao niransak

-

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga im­bestigador ng pulisya ang na­paulat na pagransak sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kapitolyo ng Shariff Aguak, Maguindanao kung saan nawawala ang mahaha­lagang dokumento at iba pang kagamitan.

Sinasabing ang in­si­dente ay naganap noong ho­lidays kung saan naka­bakasyon ang mga opisyal at noong Lunes lamang nadiskubre ang nakawan.

Sa salaysay ng bisor ng Comelec-Maguindanao na si Estelita Orbase, sinabi nito na nagawang wasakin ang jalousy ng bintana kung saan dito dumaan ang mga kawatan.

Sa pahayag naman ni P/Senior Supt. Alex Li­neses, na hindi pa nagre-report ang Comelec sa ka­nilang tanggapan hinggil sa nasabing nakawan.

Bukod dito, ayon pa sa opisyal ay bantay-sarado ng mga naka-deploy na sundalo at ng mga pulis ang opisina ng Comelec kaya imposibleng maka­lusot ang mga magna­nakaw.

Nasa ilalim pa rin ng state of emergency ang Maguindanao dahil sa pag­masaker sa 57-katao ka­bilang ang 32 media­ men noong Nobyembre 23. Joy Cantos

ALEX LI

BUKOD

COMELEC

COMELEC-MAGUINDANAO

ESTELITA ORBASE

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

SENIOR SUPT

SHARIFF AGUAK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with