Kawatan nakuryente sa kisame

NUEVA ECIJA, Philippines – Isang 32-anyos na lalaki na sinasabing notoryus na kawatan ang iniulat na nasawi makaraang makuryente sa kisame ng mini-grocery na kanyang pagnanakawan noong Lunes ng umaga sa loob ng pamilihang bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija. Bandang alasa-6 ng umaga nang matagpuan ang katawan ni Freddie Iñigo ng Barangay San Gregorio at tubong Barangay Malacañang, Sta. Rosa. May palatandaan din na pagnanakaw ang pangunahing motibo ni Iñigo para pasukin ang grocery na pag-aari ni Lolita Cabanayan Cajucom makaraang madiskubreng winasak ang bubu­ngan ng tindahan sa ikalawang palapag bago naganap ang insidente. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments