BATANGAS, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang pagbabakasyon sana ng tatlong tinedyer na babae makaraang malunod habang naliligo sa ilog kamakalawa ng hapon sa Sitio Bayasan, Barangay Aga sa bayan ng Nasugbu, Batangas.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Janet Insigne, 14; Cristy Avena,17; at si Jenelyn Barcelon,18, pawang nakatira sa Barangay Cogonan.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Antonio Malabanan, masayang naliligo ang tatlo sa mababaw na bahagi ng Layon Ilog nang magkakasunod na malunod matapos na mapunta sa malalim na bahagi ng ilog. Sinikap pang sagipin ang tatlong biktima pero namatay na rin. Arnell Ozaeta