Mag-asawa, anak hinoldap

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Malaking ha­laga at mga personal na gamit ang natangay sa mag-asawa at anak nilang babae makaraang holdapin ng mga armadong kalala­kihan sa kahabaan ng high­way sa Barangay Ba­ras sa bayan ng Canaman, Camarines Sur kamaka­lawa ng gabi. Lumilitaw na lulan ng traysikel si Oscar Sanares ng Barangay Sta. Lucia kasama ang kanyang misis at anak nang hara­ngin at holdapin ng mga maskaradong kalalakihan.

Nanlaban naman si Sa­nares kaya napilitang ba­rilin ng isa sa holdaper bago tinangay ang kan­yang bag na naglalaman ng P.108 milyon, celpon, at iba pang mahahalagang bagay. Ed Casulla

Show comments