Mag-asawa, anak hinoldap
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Malaking halaga at mga personal na gamit ang natangay sa mag-asawa at anak nilang babae makaraang holdapin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Barangay Baras sa bayan ng Canaman, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Lumilitaw na lulan ng traysikel si Oscar Sanares ng Barangay Sta. Lucia kasama ang kanyang misis at anak nang harangin at holdapin ng mga maskaradong kalalakihan.
Nanlaban naman si Sanares kaya napilitang barilin ng isa sa holdaper bago tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P.108 milyon, celpon, at iba pang mahahalagang bagay. Ed Casulla
- Latest
- Trending