LAGUNA, Philippines - Kahit umiiral ang sinasabing maruming sistema ng pulitika sa Laguna ay sasabak pa rin sa May 2010 elections si dating Congresswoman Uliran Joaquin sa congressional race sa 1st district.
Buong tapang na ipinahayag ng kampo ni Joanquin, na sa kabila na gumagamit ng maruming taktika ang kalaban nito sa pulitika, mananaig pa rin aniya ang katotohanan.
Nabatid na makakalaban ni Joaquin ay ang actor na si Rep. Dan Fernandez, na sinasabing dehado kaya nagpapalabas ng mga black propaganda laban sa una.
Matatandaan na si Fernandez ay pinatalsik sa pagiging kongresista, dahil sa long overdue residency na isinampa sa House of Representatives Electoral Tribunal, subalit muli itong na re-elect noong 2007 eleksyon.
Nabatid na si Joaquin ay tatlong beses na nahalal bilang congresswoman, subalit kinasuhan ito ng mga kalaban sa pulitika dahil hindi aniya ito nagsasabi ng totoo sa kanyang birth certificate at isa aniya itong Chinese national.
Gayon pa man, ayon sa kampo ni Joaquin, naresolba na ang isyung ito at ibinasura ang rekla mo subalit ginagamit ng kanyang mga kalaban sa pulitika upang i-disqualified siya sa May 2010 elections.