^

Probinsiya

Joaquin sa congressional race sa Laguna

-

LAGUNA, Philippines - Kahit umiiral ang sinasabing maruming sistema ng pulitika sa Laguna ay sasabak pa rin sa May 2010 elections si da­ting Congresswoman Uli­ran Joaquin sa congressional race sa 1st district.

Buong tapang na ipina­hayag ng kampo ni Joan­quin, na sa kabila na gu­ma­gamit ng maruming taktika ang kalaban nito sa pul­i­tika, mananaig pa rin aniya ang katotohanan.

Nabatid na makaka­laban ni Joaquin ay ang actor na si Rep. Dan Fer­nandez, na sinasabing dehado kaya nagpapa­labas ng mga black propaganda laban sa una.

Matatandaan na si Fer­nandez ay pinatalsik sa pagiging kongresista, dahil sa long overdue residency na isinampa sa House of Representatives Electoral Tribunal, subalit muli itong na re-elect noong 2007 eleksyon.

 Nabatid na si Joaquin ay tatlong beses na nahalal bilang congresswoman, subalit kinasuhan ito ng mga kalaban sa pulitika dahil hindi aniya ito nag­sasabi ng totoo sa kanyang birth certificate at isa aniya itong Chinese national.

Gayon pa man, ayon sa kampo ni Joaquin, nare­solba na ang isyung ito at ibinasura ang rekla­ mo subalit ginagamit ng kan­yang mga kalaban sa puli­tika upang i-disqualified siya sa May 2010 elections.

BUONG

CONGRESSWOMAN ULI

DAN FER

GAYON

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

JOAQUIN

KAHIT

MATATANDAAN

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with