Napahiya sa pagnanakaw nagbigti
BULACAN, Philippines — Pinaniniwalaang napahiya sa ginawang pagnanakaw kaya nagpasyang magbigti sa loob ng selda ang isang kawani ng STL kamakalawa ng gabi sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Kinilala ni P/Supt. Miguel Atienza, ang nag-suicide na si Ricky Gomez ng Masagana Homes, Brgy. Sta.Rita. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na inireklamo si Gomez ng kanyang kasamang si Erwin Dela Cruz kaugnay sa nawawalang celpon kung saan magkasama ang dalawa sa inuupahang apartment. Inimbestigahan naman ng pulisya si Gomez kaugnay sa kasong kinakaharap at pansamantalang ikinulong.
Subalit ilang minuto ang nakalipas ay natagpuan naman nakabitin si Gomez sa palikuran ng selda. Boy Cruz
- Latest
- Trending