Cavite massacre: 3 katao todas

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nauwi sa tra­hedya ang masayang inu­man ng magkakaibigan makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan sa Barangay Palipa­ran 3, sa bayan ng Dasma­riñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga na­pas­lang ay sina Joel Sier­vo, Jason Siervo at Jay­ son Manota, pawang na­katira sa nabanggit na ba­rangay.

Samantala, sugatan naman ang isang nagnga­ngalang Michael na naisu­god sa St. Paul Hospital matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Alfred Corpuz, lumili­taw na nag-iinuman ang mga biktima sa pagdiri­wang ng birthday ni Joel sa bisinidad ng Block 12, Phase 1 nang pasukin sila at ratratin ng tatlong ar­madong kala­lakihan ban­dang alas-9 ng gabi.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pagkiki­lanlan ng mga suspek na pinaniniwalaang kakilala ng mga biktima.

Show comments