Cocaine nasamsam
MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad matapos na masamsam ang 15.5 kilo ng high grade na cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P110 milyon sa isang container van sa isang compound sa Sasa, Davao City, ayon sa ulat kahapon. Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, unang sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Police Regional Office 11 at Philippine Drug Enforcement Agency 11 ang compound ng Maersk Container Yard sa old airport road ng lungsod nitong Huwebes ng umaga.
Hanggang kahapon ang ipinagpapatuloy ng mga awtodidad ang paghalughog sa may mahigit 100 container van sa loob ng compound. Joy Cantos
- Latest
- Trending




















