^

Probinsiya

3 banyagang pedopilya kalaboso

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Rehas na ba­kal ang binagsakan ng tatlong pedopilyang Dutch nationals makaraang ma­aresto ng pulisya dahil sa reklamo ng mga batang lalaki sa Puerto Galera ka­makalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Sonny Ricablanca, ang mga suspek na sina Gusbert Van T. Hof, alyas Jack; Robert Arjen Peter, alyas Robert; at si Rudolf William Devos, alyas Rudy.

Inaresto ang mga dayu­han nang magreklamo ang mga batang lalaki ng may edad na 16, 13 at 11-anyos sa ginawang panghahalay sa kanila ng mga suspek na nagsimula dalawang taon na ang nakalipas.

“Lagi daw silang pinag­huhubad ng damit ni Jack sa kuwarto at pinaliligo bago sila i-blow-job,” pa­hayag ni Ricablanca.

Ayon sa mga biktima, binibigyan daw sila ng P50, minsan ay P100 matapos silang molestiyahin.

Nakasama rin sa re­klamo si Barangay Captain Benjamin de Chavez ma­tapos itong magpabaya sa naturang krimen kung saan mariin namang itinanggi ng opisyal na may kinalaman siya sa kaso.

“Wala naman akong alam diyan at kasama lang ako sa pag-aresto,” paha­yag niya sa mga reporter.

Samantala, pinabu­la­a­nan naman ni Puerto Ga­lera chief of police, Supt. James Brillantes, ang ba­litang pinalaya niya ang mga suspek matapos mag­bayad ng malaking halaga.

Si Brillantes ay sinibak sa puwesto bilang hepe ng Puerto Galera at sumasa­ilalim sa imbestigasyon matapos masangkot sa pamamaril sa isang KTV bar noong nakalipas na linggo, na mariin niya ring pina­bulaanan. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY CAPTAIN BENJAMIN

GUSBERT VAN T

JAMES BRILLANTES

PUERTO GA

PUERTO GALERA

ROBERT ARJEN PETER

RUDOLF WILLIAM DEVOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with