Army vs NPA: 3 sundalo utas
MANILA, Philippines - Tatlong sundalo ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng militar ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Calaberahan sa Mt. Diwata, Monkayo, Compostela Valley kamakalawa. Kabilang sa mga nasawi ay sina Cpl Abdulmanan Diocolano, Pfc Job Araneta at si Pfc Allan Cumla na pawang sundalo ng 25th Infantry Battalion ng Phil. Army. Nasugatan naman sina Pfc Raniel Bugas, Pfc Rheland Malumpong, Pfc Winston Salupan at si 2nd Lt. Jefferson Alagarne. Joy Cantos
- Latest
- Trending